DXN

DXN

Share

Kailangan mo ba ng lunas sa iyong karamdaman? Mura at garantisado? Proven and tested Ito'y isang herbal...
no side effect, no overdose.

05/03/2026

Bakit ang masisipag kulelat sa networking?

Realtalk.

Hindi dahil tamad sila.
Kundi dahil mali ang direksyon ng sipag nila.

Maraming tao sa networking, halos di na umuuwi.
Post nang post.
Chat nang chat.
Flyers nang flyers.
Meeting nang meeting.

Pero pagdating ng payout… kulelat.

Masakit pakinggan, pero totoo:
Hindi puro sipag lang para yumaman.
Hindi panay-panay flyers, benta at pasali lang.

Kung araw-araw kang nagbebenta pero ikaw lang ang gumagalaw, empleyado ka pa rin.
Kung ikaw lang ang nag-iinvite at wala kang tinuturuan kung paano mag-invite, pagod ka pero hindi ka lumalago.

Ang networking ay leverage game.
Hindi ito paramihan ng pawis.
Pahusayan ito ng sistema.

Dapat lagyan ng sistema para di mapagod at manawa.
May tamang proseso sa pagprospect.
May duplication system.
May training flow.
May culture.
May monitoring.

Kung wala ka niyan, kahit gaano ka kasipag, mapapagod ka.
At pag napagod ka, mawawala ka.
At pag nawala ka, tapos ang kita.

Work smart, not work hard.
O mas maganda,, work hard on the right system.

Sipag + Sistema = Sustained income.
Sipag lang = Burnout.

Tanungin mo sarili mo ngayon:
Busy ka ba… o productive?
Gumagalaw ka ba… o lumalago?

Tandaan mo:

Hindi ka yayaman sa dami ng ginawa mo. Yayaman ka sa dami ng na-duplicate mo.

At kung pagod ka na pero wala ka pang resulta, hindi dagdag sipag ang solusyon. Dagdag sistema.

At ito ang pinaka mabigat:

Ang sipag na walang direksyon, pagod lang ang pupuntahan.
Ang sipag na may sistema, financial at time freedom ang pupuntahan.

26/02/2026

Maraming may ideya, maraming may kapital… pero kakaunti ang may tapang na magsimula at magpatuloy.

Ang tunay na tagumpay sa negosyo ay hindi lang tungkol sa diskarte o pera, kundi sa tibay ng isip at puso na hindi sumusuko kahit ilang ulit kang bumagsak.

Kapag pinaghalong utak at puso ang bawat hakbang mo, doon nagsisimula ang matatag at lumalaking negosyo.

Simulan mo ngayon. Magplano, magsulat, at gawin mo ang unang hakbang.
Tandaan: isip para sa diskarte, puso para sa tapang yun ang tunay na puhunan m

Want your practice to be the top-listed Clinic in Valenzuela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Valenzuela