Pinoy Horror Story
Pinoy horror story page
Babysitter ni Ikoy
Sa Fairview nakatira sina Kuya Renato at asawa nitong si Ate Lydia kasama ang limang taong gulang nilang anak na si Ikoy.
Si Ikoy ay makulit pero mabait na bata. Magalang at masunurin sa matatanda. Sadyang palatanong lang talaga kaya aakalain mong makulit.
Sabado ng hapon, tinawagan ako ni Kuya at tinanong kung pwede ba akong magbantay kay Ikoy ng isang gabi lang dahil pupunta sila sa namatayang kaibigan. Medyo may lagnat kasi ang bata kaya hindi pwedeng dalhin. Pumayag ako.
Alas otso. Pagkatapos naming maghapunan, umalis na sina Kuya at Ate Lydia.
Nanood kami ng TV ni Ikoy. Nang makaramdam na siya ng antok, binuhat ko sya at dinala sa room nya sa ikalawang palapag. Bumaba ako ulit at nanood.
Maya-maya, narinig kong umiiyak si Ikoy sa kuwarto nya. Mabilis ko siyang inakyat.
Pulang-p**a na ang mga mata nito sa kaiiyak. Tinanong ko kung bakit umiiyak. Nanginginig nyang sagot ay may monster daw sa ilalim ng k**a nya.
Para kumalma, sinabi ko sa kanya na hindi totoo ang monster, hindi rin totoo ang Santa Claus at mga fairies. Hindi pa rin sya natigil sa kaiiyak. Mas lalong lumakas pa ito. Pulang-p**a na talaga ang mga mata nya habang nakatingin sa akin.
Sabi ko nalang sa kanya, titingnan ko yung ilalim ng k**a nya para ma-sure na wala talagang monster.
Dahan-dahan akong lumuhod at sumilip sa ilalim ng k**a ni Ikoy.
Halos mamatay ako sa kilabot ng makita ko si Ikoy sa ilalim ng k**a. Nakatingin sa akin at sinabing “Tito, paalisin mo yung monster sa taas bed ko.”
Biglang tumigil sa pag-iyak ang batang nasa itaas ng k**a. Napamura ako sa takot. Nagtaasan ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagkatitigan lang kami ni Ikoy sa ilalim ng k**a.
Halos himatayin ako ng mga oras na iyon lalo na ng maramdaman kong gumalaw ang bata sa taas ng k**a na parang bababa papunta sa pwesto ko.
Naihi na ako sa sobrang takot ng tumigil ang paggalaw ng k**a. Hinimatay ako sa sobrang sindak ng may biglang yumakap sa likod ko ng sobrang higpit.
Paggising ko, nandun na si Ate at si Kuyang karga si Ikoy. Hindi na ako tumagal at nagpaalam na akong umuwi dahil sa takot.
Pagkauwi ko, nagtext si Kuya. Bakit ko daw sinabi kay Ikoy na hindi totoo si Santa Claus at mga fairies.
'Computer shop'
When i was at young age marunong na akong Magcomputer and araw-araw na akong nasa computer shop simula nung tinuruan ako ng Kuya at ate ko.Gamer kasi ang mga kapatid ko at tinuturuan din nila akong maging gamer.lagi ko silang kasama tuwing magcocomputer ako since simula bata palang ako.And nung time na wala sila dahil may camping sila sa school 3 days akong walang kasama..*change*Sabi daw nung mga kasama naming nagcocomputer dun ay may batang babae na daw na nagpaparamdam dun dahil pinatay sya nung ibang gamer dahil sa pusta..at natalo yung babae at dahil walang pambayad pinatay ito ng mga kapustahan nya.Pero ako hindi ako naniniwala doon.Kahit na yung iba ay nakikita na yung spirit na gsto lang maghiganti.*fastforw ard*that time ako lang ang maglalaro don sa shop dahil halos lahat ng mga naglalaro ay kasali sa Camp.that time nang maglalaro na ako bigla nalang bumukas yung isang computer at bumukas ang game na Dota at nagtaka ako nun dahil ako lang naman ang tao dun eh.At biglang tumunog yung Computer na Halatang naglalaro talaga pero ang inisip ko na lang ay baka isang Prank lang yun kahit imposible.at tinuloy ko ang paglalaro ko hanggang sa lahat na computer nagbukas !at dun na nagsimula ang takot ko..tinanggal ko ang headset ko at gsto kong tumakbo pero di ko magawa dahil hindi ako makakilos lalo na nung nakita ko yung ghost.!At don pumikit ako baka sakaling mawala.at nang pagdilat ko nasa harapan ko na ung ghost!omg!hindi ako mkpaniwala nun dahil yun ang unang beses kong makakita ng ghost !at hanggang sa nawala sya na tuloy parin ang tunog nang mga computers.Nang paguwi ko sa bahay ay nandun na dn ang mga kapatid ko at sinabi ko sa kanila ang nangyari sakin pero di sila naniwala sapagkat tinawanan pa nila ako at sinabing imahinasyon ko lamang yon at di sila naniwala sakin.
Thank you for reading !
-JAYRYLLE
Hi im meg/male/ from valenzuela 1st time ko mag share ng nakakatakot na experience ko,
actualy madami na din talaga ako na experience pero saka ko na ishare,
(HINDI KO NA PO PAPANGALANAN YUNG RESORT)
by the way una kung isshare yung nasa batangas kami im not sure exact location or address because nag team bldg lang kami dun sa resort na yun and that time nag iinuman kami sa labas ng resort malapit sa pool maybe around 11 pm, not sure haha and isa sa mga ka team mate ko nag tanong sa akin my pagkain ba sila dito kasi nagugutom ako..
MEG - hindi ko alam eh wala naman ako nakikita pag kain dito kanina pa at walang mga tao masyado nag aasist sa atin dito pansin mo ba?
ROSE - oo nga eh kasi hndi naman summer kaya kunti lang tao ngaun dito.
MEG - kahit na costumer pa rin tayu at ang mahal ng kwarto na binigay sa atin na sira pa yung gripo hahaha
ROSE - oo nga e tara labas na lang tayu at dun tayu bumili..
MEG - cge pero panu hindi natin alam dito?
ROSE - tara tanong tayu ky guard
MEG - Cge momy rose
MEG - guys bili lang kami ni momy rose ng pagkain sa labas
NEXON - sama ako gutom na din ako bili tayu angels
(NEXON isa sa mga ka team ko )
MEG - hindi nga natin alam kung my bukas pa dito o my palengke dito... pero tara na bilis
habang papunta kami sa guard house nakita namin yung guard na nakatayu sa my gilid ng gate at nag tanong na si momy rose
ROSE - guard my bilihan bang pag kain dito wala kasing pag kain sa loob?
GUARD - ay mam malayo kasi palengke dito mag ttrickle pa po kayu para makapunta dun...
ROSE - ok lang kaysa mamatay kami sa gutom dito at wala din ako dalang sabon at shampo
MEG/NEXON - hahahahaha
GUARD - ok po mag papatawag po ako ng trickle mag raradyo lang po ako para papuntahin dito sa resort
ROSE/MEG/NEXON - salamat kuya......
mga 20 mins paparating na yung trickle na nakikita namin sa malayo kasi kitang kita yung head light nya sa daanan na madaming palayan sa mga gilid...
habang hihintay ko yung trickle sabi ko ky momy rose
MEG - momy labas lang ako wait ko lang yung trickle mukang paparating na din mag yosi lang ako
NEXON - ako din meg sama ako
MEG - tara
habang nasa labas kami ni nexon at nag yoyosi ung mga mata namin nakatingin dun sa my ilaw na my tunog ng trickle meju mabagal yung patakbo ng trickle kasi hndi pa sementado yung lugar ,, at halos paubos na yosi ko at nexon at malapit na sa amin yung trickle
MEG - MOMY ROSE ANJAN NA PO YUNG TRICKLE......
ROSE - ok papunta na
at habang hinihntay namin c momy rose
pumarada na sa harap namin yung trickle at habang papunta kami ni nexon sa trickle..
biglang my lumabas na babae dun sa sidecar na napakalaki mga 7 feet na naka pang kasal at nagulat ako kasi bigla sya lumabas at ang laki at yung itsra nya hndi ganun kaputi para putik na yung kulay pero alam mo na pang kasal yung soot nya.. at habang pinagmamasdan namin yung babaeng nakapangkasal at malaki at habang nag lalakad sya sa palayan hindi ko maiwasan matakot at iba ung pakiramdam yung nakita ko sya ibang iba na parang gusto ko umiyak lalo na sa takot pero parang feeling ko namatayan ako .... at habang nawala na sya paningin ko tingin ko c nexon na tulala din at hndi kami nakapag react agad... at bigla na lang kami tinawag ni momy rose
ROSE - MEG NEXON TARA NA!!!
sa sobrang takot ko hindi ako sumakay sa loob sidecar ganun din nexon tanging si momy rose lang sumakay na hindi nya alam kung anu nakita namin ni nexon...
at habang bumbyahe kami tinanong ko si kuya driver kung nakita nya ba yun nakita namin ni nexon
MEG - kuya nakita mo ba yung nakita namin knina sa sidecar nyo?
DRIVER - hindi ko sya nakita pero naramdaman ko sya kasi ang bigat ng motor ko kahit wla naman akong sakay pero alam ko na my sakay ako pag lampas ko dun sa talahiban nagtataka nga din ako bakit ang bigat pero alam ko my ibang elemento akong sakay pero hayaan nyo na lang yun madami talaga dito lalo na dun sa talahiban na nadaanan ko kasi madaming nasasalvage dun..
MEG - kaya pala ang bagal nyo mag maneho kanina kala ko kasi sa kalsada kaya mabagal kayu mag maneho
DRIVER - mabagal yung takbo ko kasi mabigat yung sidecar ko at baka din maaksidente ako kaya nag iingat ako kanina
MEG - ganun ba
NEXON - (TAHIMIK PA DIN SA SOBRANG TAKOT NA NAKITA NYA)
nakabili kami ng food at nakauwi ng safe naman pero ako at nexon hindi nakakain sa nangyari na yun at hindi po kami lasing kasi hndi din ako maxado uminom that time kasi wala kami pulutan hahaha at hindi lang ako nakakita pati si nexon na ka officemate ko
ayaw ko na din halungkatin kung sinu un at anu un kasi wala din mangyayari at wla din maniniwala mas ok cguro na exp din namin un at iba talaga yung feeling pag nakakita ka ng ganun ...
sorry if mejo magulo yung kwento pero i hope na magustuhan nyo
mag popost ulit ako ng mga na exp ko next time pag hndi busy sa work
leave comments na lang kung anu kulang para sa next post ko maging ok na
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Valenzuela