ITE 321 Multimedia System 2026
All posts reflect academic creativity and project‑based learning.
DORMITORYO
“Hindi lahat ng sugat ay naghihilom… lalo na kung ang dahilan ay pag-ibig na nauwi sa matinding sakit at pagtanggi. Sa loob ng Dormitoryo, minsang may isang estudyanteng buong pusong umibig, ngunit matapos siyang iwan at pagtawanan dahil sa kaniyang nararamdaman, tuluyan siyang nawalan ng pag-asa at kumitil ng sariling buhay. Akala ng lahat ay doon nagtatapos ang kaniyang kwento… ngunit may mga pusong nasaktan na hindi kailanman nananahimik. Habang muling nabubuhay ang mga lihim at alaala sa Dormitoryo, isa-isang haharapin ng mga nakatira rito ang bangungot ng nakaraang pilit nilang kinalimutan. Sapagkat ang pag-ibig na winasak ng rejection… ay maaaring bumalik hindi para magmahal, kundi para maghiganti.”
SINGIL
Isa-isa silang nawawala… pero hindi pa tapos ang hatol.
Sa bawat kasalanan, may kapalit.
Sa bawat lihim, may dugong maniningil.
Kapag hustisya ay hindi na sapat, magsisimula ang tunay na takot.
Abangan ang SINGIL bukas, kung saan walang inosente, at walang ligtas.
𝐅𝐈𝐍𝐆𝐄𝐑𝐄𝐋𝐀
Hello Philippines! Hello Family Dimalanta!
Kung hanap niyo ay tawanan, bardagulan,
Samahan sina Ela, ang pinsang mahilig sa K-drama
kwentong punong-puno ng gulo at kilig sa puso mo.
Abangan ang harana Bukas na
𝐀𝐍𝐓𝐈𝐋𝐎𝐁𝐎
Labing-isang umakyat, labing-isa bang makakabalik?
O isa sa kanila’y mawawala sa gitna ng dilim na tahimik.
Sa gubat na walang kasiguraduhan at liwanag,
bawat bulong ay kapalit ng bangungot na yumayakap.
Kapag sumagot ka sa tinig na hindi mo alam ang pinagmulan,
baka bukas… hindi ka na kabilang sa bilang.
16/04/2026
[BSIT III F2]
" Love Pound In You "
Breakups aren’t always about pain and regret. Most of the time, they’re about redirection, self-improvement, and learning to recognize your worth—unconditionally. Minsan talaga, heartbreak ang pinakamalupit na motivation. From chubby to confident. From pain to progress. But the real question is—sino nga ba ang tunay na nagbigay ng lakas sa kanya? Ang breakup… o ang best friend na naging daan ng kanyang transformation? Let’s all find out in “Love Pound In You” — coming soon.
16/04/2026
[BSIT III F2]
“UNWIND”
Beach trip goals? Or nightmare unlocked? Simpleng outing ng isang grupo na may labing isang miyembro. Tawanan, kulitan, kwentuhan para matakasan ang magulong mundo. Ngunit sa pagsapit ng gabi, may isang labing nakangiti. Bawat pag hampas ng alon ay siya ring laging nakatuon. Unti-unting napapalitan ng takot ang saya. Sino nga ba sa kanila, ang may bangungot na dala? Tatakbo ka ba o hahayaan mong mahuli ka nya?
15/04/2026
[BSIT III F2]
"Unheard Cries"
Dating pamilyang puno ng saya, ngayon ay puno na ng ‘sana’.
Minsan, ang pinakamabigat na pasan ng isang panganay ay hindi ang trabaho o pera, kundi ang makitang nagbabago ang mga taong mahal niya.
Ako si Sol... at ito ang kwento ng pamilyang akala ko ay hindi magbabago.
13/04/2026
[BSIT III F1]
" ANTILOBO”
Huwag kang sasagot sa dilim, baka ikaw na ang susunod. Isang kwento ng takot at misteryo kung saan ang katahimikan ay may tinatagong lihim. Sa bawat bulong sa dilim, may kapalit at minsan, hindi ka na makakabalik.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Alcate Victoria
Victoria
5205