Posoy Sarmiento

Posoy Sarmiento

Share

π“π‘πž 𝐎𝐟𝐟𝐒𝐜𝐒𝐚π₯ π…πšπœπžπ›π¨π¨π€ 𝐏𝐚𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐀𝐭𝐭𝐲. π’π’π§πŸπ¨π«π¨π¬π¨ ππŽπ’πŽπ˜ π’πšπ«π¦π’πžπ§π­π¨

π˜’π˜’π˜³π˜’π˜―π˜ͺ𝘸𝘒𝘯𝘨 π˜›π˜’π˜°, 𝘈𝘣𝘰𝘨𝘒π˜₯𝘰, π˜›π˜³π˜Ίπ˜ͺ𝘯𝘨 𝘏𝘒𝘳π˜₯ 𝘊𝘩𝘳π˜ͺ𝘴𝘡π˜ͺ𝘒𝘯.

Photos from Posoy Sarmiento's post 30/05/2026

Ang patuloy na paghahatid natin ng masustansiyang tanghalian sa 188 na mga munting angel na ating inaalagaan sa Brgys. Balite-30, Hawan Grande-30, Francia-25, Constantino-21, Marcelo-11, Buyo-27, Hicming-28, at Hawan Ilaya-16.

Lunes-(naipost na natin), Martes - pork menudo and boiled egg with rice, Myerkulis- monggo overload with boiled egg and rice, Huwebes-chicken curry with boiled egg and rice, at Byernes- pork sinigang and boiled egg with rice ang pinagsalu-saluhan ng ating mga minamahal.

Muli ay Dios ang mabalos sa regular nating kaagapay sa ating daily feeding program: Emerald Hardware, maam Carol Co, Maam Edna Segismundo, sps. Romano at Imee Sarmiento, teacher Gerry dela Cruz at teacher Ronalyn Malbas, Domz Marquez, Felipe Ubalde at LGU-Virac.

Photos from Posoy Sarmiento's post 26/05/2026

Ang paglilinis ng mga drainage canal sa Brgy. Francia ng ating LGU-Virac Task Force Kalinigan (TFK).

Bago pa man dumating ang tag-ulan ay hinahanda ng ng ating TFK ang mga daluyan ng tubig baha. Tinitiyak nila na ang mga ito ay walang nakabarang mga basura na siyang dahilan ng pagbaha sa ating barangay.

Ang kanilang (TFK) pagsasakripisyo ay paalala din sa lahat ng kahalagahan ng kalinisan at paanyaya na rin upang ang lahat ay mag-ambag para sa kalinisan at kaayusan ng bayan.

Photos from Posoy Sarmiento's post 25/05/2026

Pininyahang chicken at boiled egg with rice ang hinatid nating tanghalian sa 188 na mga munting angel na ating inaalagaan sa Brgys. Balite-30, Hawan Grande-30, Francia-25, Constantino-21, Marcelo-11, Buyo-27, Hicming-28, at Hawan Ilaya-16.

Shout out natin si Sir Gil Manoguid na muli nanamang ng bigay ng 2K para sa ating gawain at si maam Luz Gurrobat na nagbigay din ng 15K para sa ating daily feeding program.

Muli ay Dios ang mabalos sa regular nating kaagapay sa ating daily feeding program: Emerald Hardware, maam Carol Co, Maam Edna Segismundo, sps. Romano at Imee Sarmiento, teacher Gerry dela Cruz at teacher Ronalyn Malbas, Domz Marquez, Felipe Ubalde at LGU-Virac.

Photos from Posoy Sarmiento's post 23/05/2026

LGU-Virac T(H)REES FOR WORK PROGRAM
[1.Reforestation, 2. Flood Mitigation, at 3.Livelihood]

Kung dati ang gobyerno pag may reforestation(tree planting proj.) ay bumibili ng panamin na kahoy sa mga negosyanteng suppliers, minabuti ng LGU-Virac na sa mga walang hanapbuhay na kababayan natin ibigay ang pondo.

Sila na ang magpapatubo ng pananim na punong-kahoy at kawayan, at sila na rin ang magtatanim sa mga lugar pinili ng ating Environment Officer. Sa ganitong paraan ay nakapagbigay pa tayo ng hanapbuhay sa ating kababayan at mas matututukan pa natin ang epektibong implementasyon ng programa.

Photos from Posoy Sarmiento's post 22/05/2026

Salamat sa Dios at kahit sa simula ay parang imposibleng misyon ang magpakain araw-araw sa halos 200 undernourished na mga bata ay nagawa natin ng tuloy-tuloy sa mahigit ng 10 buwan. Nananalig tayo na ito ay maipagpapatuloy natin sa loob ng 3 taon hangang sa mawala na ang bilang ng undernourished na bata sa ating bayan.

Ang mga larawan ng isang Linggong masayang pagsasalo-salo ng 188 na mga munting angel na ating inaalagaan sa Brgys. Balite-30, Hawan Grande-30, Francia-25, Constantino-21, Marcelo-11, Buyo-27, Hicming-28, at Hawan Ilaya-16.

Lunes - Fried chicken with egg soup and rice, Martes - pork giniling with boiled egg and rice, Myerkulis- Monggo overload with boiled egg and rice, Huwebes- Chicken afritada with boiled egg and rice, at Byernes-Pork sinigang with boiled egg and rice ang inihatid nating tanghalian sa ating mga minamahal.

Muli ay Dios ang mabalos sa regular nating kaagapay sa ating daily feeding program: Emerald Hardware, maam Carol Co, Maam Edna Segismundo, sps. Romano at Imee Sarmiento, teacher Gerry dela Cruz at teacher Ronalyn Malbas, Domz Marquez, Felipe Ubalde at LGU-Virac.

Photos from Posoy Sarmiento's post 21/05/2026

Binalikan natin ang mga inararong lupa ng ating "Libreng Arado Program" sa Brgys. Bigaa, F. Tacorda, Cabihian, Marilima, at Buenavista.

Nakakatuwang makita na ang mga sana ay nakatiwangwang na lupa ay may mga tanim na na makapagdadagdag sa mga pagkain para sa ating mga hapag-kainan.

Meron ding mga lupa ang hindi pa nataniman dahil sa tag-init, ang iba naman ay nataniman na pero natuyo ang pananim dahil sa kawalang patubig.

Matagal ng daing ng ating masisipag na magsasaka ang pangangailangan nila ng epektibong patubig para sa tuloy-tuloy nilang pagtatanim, ang iba sa kanila ay tuluyan ng namahinga sa kahihintay sa napakahalagang proyektong ito.

Ang LGU-Virac ay may nakatakdang itayong solar powered pump with overhead tank sa Pajo ngayong taon bilang pagpapakita na ramdam natin ang suliranin ng pagsasaka, ngunit ito ay tiyak na hindi sapat, inaasahan natin na sa pamamagitan ng paunang proyektong ito ay tutulungan tayo at dadagdagan ng probinsiya, ng DPWH, ng DA, NIA, at iba pang ahensiya ng gobyerno ang mga ganitong proyekto.

19/05/2026

Saludo kay Sen. Robin, di na kinailangan pang mag-aral sa Harvard at sikat na unibersidad upang makita ang katotohanang milyong magulang at magaaral ang pinahirapan ng K-12.

Photos from Posoy Sarmiento's post 19/05/2026

Kahit matindi ang init ng araw at matigas ang lupang sakahan ay matiyagang bunubungkal ng ating "Libreng Arado Program" ang mga taniman ng ating mga magsasaka. Hinahabol nila na makapagtanim ng mga pananim na angkop sa panahon ng tag-init, upang sa gayon ay hindi masasayang ang panahon at ang yamang lupa na biyaya sa atin ng Maylikha.

Mahigit 7 na hektaryang taniman ang naihanda ng ating libreng araro program mula Mayo 8-18 sa Brgys. Bigaa, Casoocan, Hicming, at Pajo Baguio.

Photos from Posoy Sarmiento's post 18/05/2026

Ang peligrosong lubak sa San Roque St. Cavinitan papasok ng national road, bagamat katatapos lang ng ginagawang road reblocking ng DPWH sa nasabing national raod, dahil din siguro sa hindi kasali sa program of works, ay hinayaan lang ng contractor ang delikadong mga lubak. Inaksiyonan ng ating LGU-Virac Revitalized Repair and Maintenance Team RRMT.

Maging ang matagal ng mga lubak sa may South Star Drugs sa Rizal Ave. National Road papasok sa papuntang National High School, ay pansamantalang inayos ng ating RRMT para maging ligtas sa mga motorista.

Photos from Posoy Sarmiento's post 15/05/2026

Ang isang Linggong masayang pagsasalo-salo ng 181 na mga munting angel na ating inaalagaan sa Brgys. Balite-30, Hawan Grande-30, Francia-25, Constantino-21, Marcelo-11, Buyo-27, Hicming-28, at Hawan Ilaya-16.

Lunes - Pork giniling and rice, Martes - Chicken Tinola with boiled egg and rice, Myerkulis- Monggo-kalabasa with boiled egg and rice, Huwebes- Chicken adobo with boiled egg and rice, at Byernes-Pork sinigang with boiled egg and rice ang inihatid nating tanghalian sa ating mga minamahal.

Muli ay Dios ang mabalos sa regular nating kaagapay sa ating daily feeding program: Emerald Hardware, maam Carol Co, Maam Edna Segismundo, sps. Romano at Imee Sarmiento, teacher Gerry dela Cruz at teacher Ronalyn Malbas, Domz Marquez, Felipe Ubalde at LGU-Virac.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Virac?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Virac
4800