Saudi Cats
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Saudi Cats, Nonprofit Organization, Al Buhayra, Ha'il.
Jamain Saudi Cats 🐈⬛❤️
Dinoble-check ko ang tahi ng 7 male cats na pinakapon ko nong June 17 & 18 tama naman tig dalawa ang tahi:
🐈⬛🐈⬛🐈⬛ 3 male cats tig dalawa ang tahi at malinis wala akong makapang betlog
🐈⬛🐈⬛🐈⬛ 3 male cats tig dalawa din ang tahi pero bakit parang may nakakapa pa akong tig isang betlog
🐈⬛ 1 male cat dalawa din ang tahi at bakit parang may nakakapa pa akong dalawang betlog
Normal ba na parang may nakakapa pa? Tinanong ko ang vet ibalik ko daw sa clinic para macheck niya kasi dapat tanggal daw lahat ng betlog. Sabi ko naman ibalik ko nalang after 1 to 2 months baka mawala din yung nakakapa ko. Sabi ng vet ibalik ko agad at baka magkaproblema pa. Hindi ba sure ng vet kung may tinanggal siyang betlog o wala at bakit pinapabalik mga pusa ko. Jusko stress mga pusa tapos nangangagat pa ayaw nila sa carrier
🐈⬛ Tapos si Faris/blacky male cat narescue ko last year kapon na wala na akong makapang betlog so tama
🐈⬛🐈⬛🐈⬛🐈⬛🐈⬛🐈⬛🐈⬛🐈⬛ 8 male cats pinakapon ko nong January 9 tama wala na akong nakakapang betlog
🐈⬛ 1 male cat si Ajaa kapon April 11, 2026 tama wala na din akong makapang betlogggsss
Mag tatanong ako sa inyo guys. Kinapa ko kasi ang betlog ng 7 male cats na pinakapon ko. Parang may mali kasi. Yung unang 3 male cats na pinakapon ko nong June 17 tama naman wala na akong makapang betlog pero yung 4 male cats na pinakapon ko nong June 18 may tig isa silang egg na nakakapa ko, isa lang ang Tinanggal tama kaya yun o mali? Hindi kasi Parehas, yung tatlo tinanggal lahat ng betlog pero bakit yung apat tig isang betlog lang ang tinanggal?
2 days akong tahimik sa page. Nag away away kasi mga Saudi Cats ko nong inilabas ko sa cage ang 7 male cats na pinakapon ko last week. Akala ko kapag kapon na magiging ok na ang lahat kaso maslumala. Nag sakmalan silang lahat na para bang hindi sila magkakakilala. Lahat ginagawa ko para lang magkasundo sila kaso napapagod na ako. Akala ko pwede na sila ilabas lahat sa cage para hindi nauubos oras ko sa dami ng litter box, tubigan, kainan na pinapalitan ko lagi at hinuhugasan. Parang lahat ng oras ko na sakanila na, naramdaman ko na ang pagod. Lagi akong puyat ni hindi ako makapaglaba at hindi ko makuha mga sarili kong gamit sa dating accommodation dahil nasa kanila lahat ng oras ko kaka asikaso. Lahat ng oras ko nasa mga pusa na. Parang mali ata ang desisyon kong mag resign para lang makapag focus ako sa mga rescues ko kaso sila ang ayaw akong pagpahingain. Sana maramdaman ng mga pusa na pagod na ako na parang gusto ko ng bumitaw 😔😔😔
Andito si Zahra at Senaeya 🐈⬛❤️
25/06/2026
Sana magkasya for 1 month, magastos sariling pera pero ganun talaga for my cats
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Al Buhayra
Ha'il
55422