Al-Shifa Call & Guidance
AHLAN WA SAHLAN, welcome to Al-Shifa Call & Guidance. May Allah make this page beneficial to us, AMIIN! ๐คฒ
PLEASE LIKE AND FOLLOW US AND DON'T FORGET TO SHARE.
25/05/2025
ู
ุงุฐุง ููุจุบู ูู
ู ุฃุฑุงุฏ ุฃู ูุถุญูุ
ANO ANG NARARAPAT GAWIN NG ISANG TAO NA NAGNANAIS MAGKATAY NG UDHIYAH O QURBAN?
______________
Para sa taong nais mag-alay ng Udhiya:
Kung ang isang tao ay may balak na magkatay ng Udhiyah o Qurban para sa Eid al-Adha, hindi siya dapat maggupit ng buhok o magputol ng kuko simula sa unang araw ng buwan ng Dhul-Hijjah hanggang sa maialay niya ang kanyang udhiyah.
Ito ay batay sa sinabi ng Propeta Muhammad ๏ทบ na iniulat ni Umm Salamah (kalugdan nawa siya ng Allah) sa Sahih Muslim:
"ุฅุฐุง ุฏุฎูู ุงูุนุดุฑ ูุฃุฑุงุฏ ุฃุญุฏููู
ุฃูู ููุถุญูููุ ููุง ูู
ุณูู ู
ู ุดูุนุฑูู ูุจูุดูุฑูู ุดูุฆูุง".
"Kapag nagsimula na ang sampung araw ng Dhul-Hijjah at nais ng isa sa inyo na mag-alay ng Udhiyah, huwag niyang gagalawin ang kanyang buhok o balat."
Sa ibang salaysay:
"ุฅุฐุง ุฏุฎูู ุงูุนุดุฑ ูุนูุฏู ุฃูุถุญููููุฉ ูุฑูุฏ ุฃูู ูุถุญูููุ ููุง ูุฃุฎุฐู ุดูุนุฑูุงุ ููุง ูููู
ู ุธูุฑูุง".
"Kapag nagsimula na ang sampung araw ng Dhul-Hijjah at nais ng isa sa inyo na mag-alay ng Udhiyah, huwag siyang maggugupit ng buhok o magpuputol ng kuko."
KAILAN MAGSISIMULA ANG TAKDANG ORAS NG PAGKATAY NG UDHIYAH AT KAILAN MAGTATAPOS?
Ang pagkatay ng Udhiya ay dapat gawin pagkatapos ng Salah ng Eid al-Adha. Kailangang hintayin muna na matapos ang Salah ng Eid al-Adha bago simulan ang pag-aalay o pagkatay ng Udhiyah.
Isa sa mga batayan mula sa Qurโan ay ang sinabi ng Allah ๏ทป:
๏ดฟ ููุตูููู ููุฑูุจูููู ููุงููุญูุฑู ๏ดพ [ุงูููุซุฑ: 2]
"Kaya ikaw ay magdasal sa iyong Panginoon, at pagkatapos ay mag-alay ka." (Surah Al-Kawthar, 2)
Sa talatang ito, makikita na inuna ang utos na manalangin bago ang pag-aalay. Ipinapahiwatig nito na ang pagkatay ng Udhiyah ay dapat gawin pagkatapos ng dasal.
Isa pang talata sabi ng Allah ๏ทป:
๏ดฟ ูููู ุฅูููู ุตูููุงุชูู ููููุณูููู ููู
ูุญูููุงูู ููู
ูู
ูุงุชูู ููููููู ุฑูุจูู ุงููุนูุงููู
ูููู ๏ดพ ุงูุฃูุนุงู
: 162
"Sabihin mo: Katotohanan, ang aking pagdarasal, aking pag-alay, ang aking buhay, at aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilalang." (Surah Al-Anโam, 162)
Ipinagpaliban ng Allah ๏ทป ang pagbanggit sa pag-aalay (sacrifice) at inilagay ito pagkatapos ng pagdarasal.
Ito ay malinaw na palatandaan na ang tamang gawain ay ang pag-aalay pagkatapos ng Salah ng Eid al-Adha.
Ito ay isang utos mula sa Allah ๏ทป sa Kanyang Propeta Muhammad (๏ทบ).
Ayon sa isang sahih na hadith mula kay Al-Baraโ (ุฑุถู ุงููู ุนูู), sinabi ng Propeta Muhammad ๏ทบ:
"ุฅููู ุฃูููู ู
ุง ูุจุฏุฃ ุจู ูู ููู
ูุง ูุฐุง ุฃูู ูุตูููู ุซู
ูุฑุฌุน ููููุญูุฑุ ู
ูู ูุนูู ููุฏ ุฃุตุงุจ ุณููููุชูุงุ ูู
ูู ุฐุจูุญ ูุจูู ูุฅูู
ุง ูู ูุญู
ู ูุฏููู
ูู ูุฃูููุ ููุณ ู
ู ุงููููุณู ูู ุดูุก".
"Ang unang ginagawa natin sa araw na ito (Eid al-Adha) ay ang pagdarasal, pagkatapos ay babalik tayo para magkatay ng ating alay. Ang sinumang gumawa nito ay nakasunod sa ating Sunnah. Pero ang sinumang nagkatay bago ang dasal, ang kanyang alay ay parang ordinaryong karne lamang para sa pamilya โ hindi ito itinuturing na tunay na sakripisyo."
Sa isa pang sahih hadith mula kay Jundub ibn Sufyan Al-Bajali (ุฑุถู ุงููู ุนูู), sinabi niya:
ุดูููุฏุชู ุงููุจููู ุตูู ุงููู ุนููู ูุณูู
ููู
ู ุงููููุญุฑ ููุงู: "ู
ูู ูุงู ุฐุจูุญ ุฃูุถุญููุชู ูุจู ุฃูู ููุตูููู - ุฃู ููุตูููู - ููููุฐุจูุญ ู
ููุงููุง ุฃุฎุฑูุ ูู
ูู ูุงู ูู
ููุฐุจูุญ ููููุฐุจูุญ ุจุงุณู
ุงููู".
"Nasaksihan ko ang Propeta sa Araw ng Pag-aalay (Yawm an-Nahr), at sinabi niya: 'Sinuman ang nagkatay ng kanyang alay bago ang dasal โ o bago tayo magdasal โ ay dapat mag-alay muli bilang kapalit. At sinuman ang hindi pa nakakatay, ay dapat nang mag-alay sa ngalan ng Allah.'"
Ang mga nabanggit na hadith ay malinaw at tiyak, at ipinapakita na ang tamang oras ng pagkatay ng Udhiyah ay nagsisimula pagkatapos ng Salah ng Eid al-Adha, sa lugar kung saan naroroon ang taong mag-aalay.
Kung nagkatay ang isang tao bago ang Salah ng Eid al-Adha, hindi niya nasunod ang Sunnah ng mga Muslim. Hindi ito itinuturing na tamang alay, dahil ginawa ito bago pa dumating ang takdang oras.
Ang kanyang kinatay ay hindi bahagi ng religious sacrifice (Udhiyah) โ ito ay karaniwang karne lamang para sa kanyang pamilya.
Ang panahon ng pagkatay ng alay (Udhiyah) ay nagsisimula pagkatapos ng Salah ng Eid al-Adha sa Yawm an-Nahr (Ika-10 araw ng buwan ng Dhul-Hijjah) at tumatagal ito hanggang sa pagtatapos ng ika-13 ng Dhul-Hijjah, ayon sa mas malakas na opinyon ng mga iskolar.
Kaya ang kabuuang bilang ng araw ay apat na araw: ang araw ng Eid al-Adha, at tatlong araw pagkatapos nito (ang tinatawag na Ayyam at-Tashreeq).
Nagtatapos ang panahon ng pag-aalay sa paglubog ng araw sa ika-13 ng Dhul-Hijjah.
Kapag lumubog na ang araw sa araw na iyon, tapos na ang oras para sa pagkatay ng Udhiyah.
ูุตูู ุงููู ุนูู ุณูุฏูุง ู
ุญู
ุฏ ูุนูู ุขูู ูุตุญุจู ูุณูู
...
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Telephone
Address
Riyadh