Neith Store
Exalting Jesus!
PAGNINILAY SA BAGONG TAON
Ngayong 2025 ay meron tayong huhubarin at meron din tayong susuotin.
Basahin ang Efeso 4:22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
Isang magandang reminder para sa bawat mananampalataya ang mga talatang ito lalo na sa pagsisimula ng Bagong Taon.
Iniutos ni Pablo sa mga taga-Efeso pero applicable din para sa atin ngayon, dahil bilang totoong tagasunod ni Jesus kailangan nating lumago sa pamamagitan ng pag-iwan at paghubad sa lumang pagkatao at lumang pamumuhay.
Kasama sa paglago sa pananampalataya ang pagsuot naman sa bagong pagkatao na likha ng Diyos sa atin. Ang patuloy na pagbabago tungo sa katuwiran at kabanalan ay matibay na palatandaan ng isang totoong pananampalataya.
Ang ibig sabihin, gumagawa sa buhay at kalooban ng totoong mananampalataya ang Banal na Espiritung nananahan sa atin. Patuloy na binabago ng Diyos ang buhay ng isang totoong sumampalataya.
Kaya habang nadadagdagan ang Taon ay umaangat din naman ang antas ng ating buhay pananampalataya.
Kaya ito po ang prayer natin ngayong Bagong Taon: Panginoong Diyos tulungan nyo po kaming hangarin iwan na ang lumang pagkatao at isuot ang bagong pagkataong likha ng Panginoon para sa patuloy na paglagong espirituwal.
Binabagong buhay sa Bagong Taon - 2025 sa mga totoong sumampalataya 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Pagpalain tayong lahat sa Bagong Taon 🎇🎇🎇
13/11/2024
Every Prayer is a Powerful Weapon
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Ngo Thi Si
Yen Nguu
100000